Kinilala ang Bureau of Customs (BOC) Port of Clark sa pangunguna ni District Collector Jairus Reyes sa kanilang mataas na revenue collection performance sa taong 2024. Ang parangal ay tinanggap no Reyes sa 123rd Founding Anniversary ng BOC nitong Pebrero 7 sa Philippine International Convention Center na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Lumampas sa itinakdang annual revenue collection target sa taong 2024 ang BOC Port of Clark na itinalaga sa Php 5.096 billion, sa pamamagitan ng pagkolekta ng kabuuang Php 5.115 billion sa duties at taxes, na nagresulta sa Php 18.569 million surplus.

Spread the news