WALANG Kapitasan, yan ang saad ng mga kawani kay Port of Manila, Bureau of Customs Coll. Alexander Gerard Alviar, dahil sa angking galing nito at talino na ipinamamalas sa ahensya. Rose from the ranks, ibig sabihin na dalubhasa sa panahon sa larangan ng collections, trade facilitation, at border protection, kung kaya’t pinagkatiwalaan ni President Bongbong Marcos sa isang metikulosong posisyon.

Kung hindi po tayo nagkakamali, taong 2024 October 7, nang makuha natin ang Certified True Copy ng Customs Personnel Order No. B-101-2024 na may lagda ni Bureau of Customs Comm. Bien Rubio at pinagtibay ni Department of Finance Secretary Sen. Ralph Recto, ang pagkakatalaga ni Coll. Alexander Gerard E. Alviar. May magandang educational background, o hindi matawaran ang kanyang mga tinapos na degree sa larangan ng edukasyon. Ang ilan nga dito sa kanyang mga ka klase at mga UTOL, ay mga kilalang mga abugado at may posisyon sa gobyerno. Ayaw lang nila magpa banggit ng pangalan.

May ganun! Peace! Sa aking pakikipagtalas-tasan sa mga kawani mula sa Principal Appraiser, Examiner, at ultimong mga simpleng kawani ng Port of Manila, saludo at hinahangaan nila si Coll. Alex, dahil sa HUSAY nito, hindi lamang sa trabaho, kundi maging sa pakikisama. Meaning lahat MASAYA. Sa mga stakeholders, importers at brokers, kuntento sila at naiintindihan si Coll. Alex sa pagpapatupad ng tamang Duties and Taxes ng kanilang mga kargamento, at madali daw itong kausap.

Dahil diyan magpa pansit ka naman! Down to earth si Coll. Alex Alviar, walang yabang sa katawan, at masayahing kausap. Kung inyong lilimiin, ang kanyang mga salita na lumalabas sa kanyang bibig, madami kayong matututonan lalo na sa Customs Modernization Tariff Act or CMTA. Kaya naman, tunay na maituturing na ASSET ng Bureau of Customs at maging ni Comm. Bien Rubio si Coll. Alex Alviar.

Isang pagsaludo na may kasamang respeto ang ating ipamamalas sa nilalang na ito. Minsan, may ilan na nasasagasaan, ngunit parte lang naman ito ng trabaho at ipinamamalas lamang niya ang dapat na naayon sa batas. Kaya huwag maging pikon mga Igan. Trabaho lang, walang personalan. Hindi po ba Sir Herbie? KAALAMAN: IMPECCABLE-(of behavior, performance, or appearance) in accordance with the highest standards of propriety, faultless. “A man of impeccable character.” Definitions from Oxford langguanges.

Parting shot: Pasintabi po sa mga kaibigan ko at mga kamag-anak na pulis. Hindi naman po lahat mga iskalawag. Subalit may mga ilang abusado na dapat parusahan. Mariin po natin keno-kondena ang maling ginagawa ng mga kapulisan sa Taguig, kung saan may kumakalat na video, kuha sa CCTV ang pananakit ng mga kapulisan sa mga menor de edad.

Mga Igan, wala kayong lusot dahil may CCTV dapat niyo yan panagutan. Maituturing kayong ANAY ng ahensya. Kaya dapat lang kayong masibak. Hindi ako natutuwa sa inyo. May masama akong karanasan sa kapulisan sa Taguig. Ang isa po naming kasama na abugado na siya ang nagre reklamo siya pa ikinukulong. Take note, mga abugado at officer of the court binastos ng mga pulis. Saksi po tayo. Onli in TAGUIG. Uy ambot!

Spread the news