Mga Igan, hindi lamang ang mamamayan ang sumisigaw, kundi maging ang mga gobernador na hindi na madadaya pa si Presidential Frontrunner Bongbong Marcos sa halalang nasyunal ngayong Mayo 9, 2022.
Gaya na lamang ng naging pahayag ni Sultan Kudarat Gov. Suharto Mangudadatu, ngunit sinabi nitong hindi magkampante ang mga lokal opisyals na sumusuporta kay BBM upang mabantayan ng maayos ang halalan.
Nakakatuwang isipin na sinabi rin nito na marami pang lokal officials sa Mindanao ang lulutang upang magpahayag ng suporta sa kandidatura ni Marcos.
Gaya na lamang ni Sulu Gov. Abdusakur M. Tan, na inaasahang lalantad din sa publiko upang opisyal  na magpahayag na buo at sulido ang kanilang suporta sa standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas.
Malaking development ang ginagawang paglalantad ng mga gobernador sa Mindanao dahil ang mga mayor na kapanalig nito ang magsusulong ng kandidatura ni BBM, at sisiguruhin nilang hindi ito madadaya sa halalan.
Bakit mga Igan? Tingnan niyo naman si Gov. Tan ay may 15 unopposed mayors mula sa 19 Munisipalidad na sakop nito sa Sulu. Kaya ang 15 Mayors na yan, tiyak na ikakampanya si BBM. Ano kaya pa? hehehe
Magandang balita rin na naglabas na ng suporta si Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, samantalang bukod kay Tan ay inaasahan ding maglalabas ng kanyang pahayag ng suporta si Tawi-Tawi Gov. Ysmael Sali na malapit na kaalyado ng running-mate ni Marcos na si Inday Sara Duterte-Carpio.
Bentahe din mga Igan, at sa pahayag ni Gov. Mangudadatu, walang ini-indorsong kandidato ang Pangulong Duterte kaya malaya ang lahat ng lokal na opisyl sa Mindanao na magbigay ng suporta sa mga kandidatong  nais nilang tulongan.
Samantala, nakipagpulong umano si Gov. Mangudadatu, at asawang si Bai Mariam na tumatakbo ngayon bilang Gobernador ng Maguindanao, kung saan kabilang sa 15 governors na nakipagpulong kay BBM noong nagdaang Linggo sa BBM Headquarters, Mandaluyong City.
Sama-sama namang nagpahayag ng suporta kay BBM sina Quirino Gov. Dax Cua, Tarlac Gov. Susan Yap, Isabela Gov. Rodito Albano, Romblon Gov. Jose Riano, Rizal Gov. Jun Ynarez III, Misamis Occidental Gov. Philip Tan, Mindoro Occidental Gov  Eduardo Gadiano, Surigao del Sur Gov. Alexander Pimentel, Quezon Gov. Danilo Suarez, Batangas Gov  Hermilando Mandanas, Mountain Province Gov. Bonifacio Lacwasan at Bohol Gov. Art Yap.
Nito lamang April 2, 10 governors din ang nakipagpulong at sumusuporta sa kandidatura ni BBM. Kaya naman, sigurado na ang panalo at wala nang madadaya pa sa Halalan 2022.
Sa pahayag naman ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson, na nasa BBM HQ na nagsabi na 90 o 73 sa 81 gobernador sa bansa ang solido nang nakasuporta kay BBM.
Diin pa ni Mayor Singson, “malaking bagay ang suportang ito ng mga governors at mga mayors dahil sila ang may mga sari-sariling lider sa kani-kanilang probinsya na magsisilbing bantay para sa eleksyon at bilangan.”
Panalo na si BBM. Kaya sama-sama tayo at magkaisa tungo sa isang mapayapa at maunlad na bansa sa pamumuno ni BBM at Sara Duterte.
Spread the news