ISANG pagsaludo, at marapat lang bigyan ng parangal itong Collector ng Port of Zamboanga, na si Coll. Barte, sa pagkaka kumpiska ng smuggled na sibuyas na nagkakahalaga ng 9.49 milyon.
Ang nasabing halaga ng puslit na sibuyas ay nasakote sa magkakahiwalay na operasyon ng ahente ng BOC, Port of Zamboanga.
Sa unang operasyon, hinarang ng BOC-Port of Zamboanga ang P2,598, 400 halaga ng 1,624 sakong sibuyas habang sakay ng isang bangka.
Kumpiskado naman sa ikalawang anti-smuggling operation  ang 4,308 na sakong sibuyas na nagkakahalaga naman ng P6,892,800 habang lulan ng bangkang MJ Marissa sa Varadero de Cawit sa Barangay Cawit, Zamboanga City nitong January 23.
Mabuhay po kayo Coll. Barte, at saludo po kami sa iyo, sapagkat ginagampanan mo ang iyong tungkulin na sugpuin ang ismagling batay na rin sa diriktiba ni Comm. Yogi Ruiz.
Congratulations din sa isinasagawa niyong mga condemnation ng sigarilyo, kung saan sinaksihan ito ng Philip Morris, government agencies, at LGU.
Gayundin sa pag turn over niyo ng mga sibuyas sa BPI para sa proper desposal, dahil nga wala itong pytho sanitary permit, at baka magdala pa ito ng peste sa bansa natin.
Nakakalungkot nga lang nangyari sa Oil na hinuli ng PCG at Navy na hindi tinurn over sa BOC. Mabuti na lang at iimbestigahan ito ng LGU Zamboanga.
Gayunman, nakikipag ugnayan rin ang tanggapan ni Coll. Barte, para ma recover at saan napunta ang nasabing oil na hinuli ng PCG at Navy, upang sa ganun ay makasuhan at mapanagot ang nasa likod ng oil smuggling. Again, congratulations Coll. Barte.
***
SINO SI MICHAEL MA?
Part 1
MERONG ginagawang imbestigasyon ang Committee on Ways and Means sa Kongresso nito lamang January 23, 2023, na pinamunuan ni Congressman Honorato Suansing ng Sultan, Kudarat, kaugnay sa sangkot umano sa ismagling, at hoarding ng sibuyas, sugar, tobaco, at iba pa.
Kung inyo pong matatandaan si Congressman Suansing, dating Deputy Commissioner ng Bureau of Customs, kung kaya’t naniniwala akong, walang makakalusot sa kanya, dahil alam niya ang pasikot-sikot sa nasabing ahensya.
Sa ginagawang imbestigasyon, lumulutang ang pangalang MICHAEL MA, na siya umanong pangunahing ismagler sa Customs, at dikit umano sa  kasalukuyang administrasyon.
Sino nga ba si Michael Ma, mga Igan? Ito ngayon ang ating hahalukayin at lilimiin, upang sa ganun magkaroon tayo ng maliwanag na sagot, sa ating malilikot na kaiisipan.
Kamakailan, si Former NSA Adviser Prof. Clarita Carlos, ay nagbigay ng intelligence report kay Pangulong BBM, kung saan inilagay niya ang mga taong involved sa ismagling.
Sa totoo lang, nagdalawang isip pa umano si Former NSA Adviser Prof. Carlos na ilagay ang mga pangalan ng mga ismagler, dahil nga ito’y malapit sa pamilya.
Ang pangalan ng listahan na ipinadala umano sa report, isa si MICHAEL MA, na siyang me ari ng China-Philippines Unified Enterprise Inc, na may tanggapan sa BGC.
At sa susunod na gagawing hearing sa Konggreso, gigisahin ang nasabing mama, upang alamin, kung anong dahilan at kung bakit malakas ang loob nito para maglaro sa Bureau of Customs. ( May susunod pa….)
Spread the news