KINOKONDENA ng mga kawani ng Burea of Customs ang magarbo, marangya at nakakalulang pag aasume ni BOC Collector, na tila dinaig pa si King Charles sa pormal na panungkulan nito, bilang HARI. Uy ambot!
Biruin mo, naka helicopter pa ang HAMBOG na Collector este ang mama nang ito ay magtungo sa bagong DISTRICT OFFICE niya? Hindi kaya nagsosobra na ang hangin sa kanyang pag-iisip?
Baka sadyang may hangin talaga ito? Sabagay, palagi rin itong nagmamalaki na kesyo ang kanyang relo ay rolex, at may unit siya sa isang executive condominium. May ganun! Magalit saiyo si Vice Ganda.
Lawyer ba ito na Collector? Hindi niya ba alam ang batas o baka naman nabubulag na siya sa salapi na kanyang tinatamasa? Ambot sa kambing na may bangs!
Nakakalimutan na ba ni BOC Collector ang R.A. 6713, ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officals and Employees on simple lifestyle? O baka naman kailangan niya na naman mag review?
Ito pa BOC Collector, remind ko lang sa iyo, para magising ka. Simpleng paalala. Tandaan mo ito. Section 8. “Officials and employees and their families shall lead modest and simple lives appropriate to their positions and income. “THEY SHALL NOT INDULGE IN EXTRAVAGANT OR OSTENTATIOUS DISPLAY OF WEALTH IN ANY FORM.” Ngayon alam mo na? Hahahha
Gayunman, bukas ang pitak na ito sa iyong panig BOC Collector, lalo na ang iyong reaksyon, rekomendasyon, at sa ikalilinaw ng lahat. Kaya, huwag mag atubiling mag email sa iambernie32@gmail.com.
Samantala, habang nilalathala po natin ang pitak na ito, ginagawa po natin ang lahat na makuha ang kanyang panig, at may opisyal pa ng taga BOC tayong kinausap para maipaabot natin ang pagnanais natin na siya ay makausap, ngunit hindi daw po ito sumasagot. Uy ambot!
Spread the news