OPISYAL nang nanumpa si Bureau of Customs CIIS Verne Yadan Enciso, bilang Director, nito lamang buwan ng Hunyo sa Malakanyang, na pinangunahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, kasama ang buong pamilya ni Enciso.
Ang nasabing panunumpa sa tungkulin ay kasunod nang  pagkakatalaga ni Enciso  bilang Director III na nilagdaan ni President Ferdinand Marcos, Jr nito lamang June 5, 2023.
Matatandaan na ginampanan ni Enciso ang Acting Director ng Customs Intelligence and Investigation Service nang siya ay pagkatiwalaan ni Comm. Bien Rubio, buwan ng Marso.
Bago pa man maging CIIS Director si Enciso, naging District Head or Supervisor muna siya ng iba’t ibang pantalan sa BOC, lalo na sa NAIA, at naging Special Assistant to Intelligence ni Deputy Commissioner MG Juvymax Uy.
Taos pusong pasasalamat naman ang nais ipabatid ni CIIS Dir. Enciso kay Presidente BBM, gayundin sa pagtitiwala ni Comm. Bien Rubio sa kanyang kakayahan.
Binigyan diin naman ni Dir. Enciso na sa kanyang pamamahala bilang director ng CIIS na pagtutuunan niya ng pansin ang makabagong intelligence operations para sugpuin ang ismagling at protektahan ang bawat hangganan ng BOC, alinsunod sa direktiba ng Presidente na magkaroon ang BOC ng modernize and digitalize customs service.
Mga Igan, sa 17 years na panunungkulan ni Enciso sa BOC, panigurado tayo na hinasa na ito ng panahon, at nakakatiyak tayo na magagampanan niya ang kanyang tungkulin na ini atang sa kanya, lalo na at nagpakadalubhasa ito sa Port of Subic, Cebu, at NAIA nang halos 13 years sa panghuhuli at paniniktik.
Kaya naman, sisiw sa kanya ang panghuhuli ng ismagler. Gayunman, inaasahan niya ang kooperasyon, at pakikiisa ng buong CIIS at syempre sa pagmamaneho ng butihing Deputy Commissioner for IG Major General Juvymax Uy, na kanyang big boss. Mabuhay and congratulations Dir. Verne Enciso.
***
KOMENDASYON NI IRON LADY, KARAPAT-DAPAT
Mga Igan, kilala ng buong Bureau of Customs, kung sino si Iron Lady, Lady Tiger, at Lady Dragon nang ahensya, sapagkat kung performance, talino at kakayahan nito ang pagbabasehan, saludo ang lahat.
Kaya naman, hindi kataka-taka na tumanggap ito ng komendasyon at pagkilala mula kay BOC Commissioner Bien Rubio, dahil sa samu’t saring panghuhuli at pagkakasakote ng mga salarin sa pagpupuslit ng droga.
Opo ang mga Igan, ang tinutukoy po natin si Xray Inspection Project Head Atty. Des Mangaoang, at ang kanyang mga kaagapay sa nasabing dibisyon.
Biruin niyo ba naman, sunod-sunod ang accomplishment ng XIP, at nito lamang June 5 sa Port of NAIA, naaresto ang isang dayuhan na nagtangkang mag ismagel ng shabu na nagkakahalaga ng P55.35 milyon.
Ang nasabing droga na nadiskubre ay pag aari ni Philip Campbell, isang liberian national, sakay ng Qatar Airways na dumating sa Terminal 3, at agad itong inaresto pagkatapos isagawa ang masusing pagsisiyasat nang magduda si Atty. Des Mangaoang sa luggage ng banyaga.
Alerto naman ang Arrival Operation Division at isinagawa ang 100% pysical  examination, at lumitaw nga na may shabu ang dalang luggage ni Campbell.
Mga Igan, kung inyo din pong matatandaan nitong May 17 taong kasalukuyan ang XIP sa pamumuno ni Atty. Des Mangaoang nasakote din nila ang 19.352 milyon halaga ng shabu na itinangkang ipuslit sa terminal 1.
Gayundin ang 400 milyong halaga ng shabu na tangkang ilusot sa Paircargo Warehouse, Pasay City noong March 20, 2023.
Kaya naman sa pamumuno ni Atty. Des Mangaong,  sa BOC XIP, talagang malabong makalusot ang mga ipinagbabawal na gamot, sa lahat ng paliparan at aduana ng BOC. Dahil na rin sa agresibong kampanya ni Iron Lady kontra sa droga. Mabuhay and Congratulations sa tropa ng XIP.
***
PARTING SHOT: Congratulations kay Bureau of Customs Collector VI Ricardo Uy Morales sa kanyang bagong pwesto. Si Morales ay isang MASON, ayon sa aking source na itinalaga bilang COLLECTOR VI nito lamang June 5, 2023, kung saan ang kalatas ay may lagda ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos.
Spread the news