
NGAYON ko po mga kabayan naintindihan ang totoong diwa ng quote na, “YOU CAN’T KEEP A GOOD MAN DOWN,” dahil kay Bureau of Customs Deputy Commissioner Gen. Juvymax Uy.

Bakit po mga igan? Sa kabila ng mga puna sa kanyang field bilang tagapangsiwa ng Intelligence Group, performance ang kanyang isinusukli, sa mga negatibong paksa.
At higit po sa lahat mga Igan, si Dep. Comm. Juvymax Uy, nag iiwan at gumagawa ng legasiya sa kanyang mga ahensiyang kinabibilangan.
Nang siya ay nasa alagad pa ng batas, wala itong bahid anomalya, sapagkat ginagampanan lamang nito ang kanyang tungkulin ng maayos.
Gayundin sa Bureau of Customs, mga Igan, umuukit na naman ito ng legasiya, dahil ginagamit niya ang kanyang sapat na kakayahan at karanasan sa paniniktik, at imbestigasyon.
Kaya naman ang mga ismagler, at mga kontrabando ay walang lusot sa kanyang kamay, bukod sa huli na, may kaso pang kinakaharap ang mga ito. Tama po ba ako CIIS Dir. Verne Enciso?
Suma total mga Igan, total package itong si Dep. Comm. Juvymax Uy, may mataas na antas ang kaisipan, higit sa lahat ang kanyang kridibilidad at integridad hindi nababahiran ng anumang bahid o dungis ang kanyang pagkatao. Diba FO IO III Sir Alvin Enciso?
Dep. Comm. For IG Gen. Juvymax Uy, isang papgpupuri at pagsaludo po, ang aming nais iparating sa iyo, bukod sa pagiging simpleng kawani mo. Tunay kang isang huwaran.
Ikaw nga nila you are a low profile but effective official. Kaya isang karangalan na makadaupang palad ang isang tulad mo. Keep up the good work and God bless you po, always!
***
ISMAGEL NA YOSI SA ZAMBOANGA, SINIRA
323.59 milyong halaga ng yosi ang sinira ng mga tauhan ng Bureau of Customs, Port of Zamboanga, at ito’y ismagel mga Igan.
Sa pahayag ng BOC, umabot sa 5, 624 master cases at 1,171 reams ng mga nasamsam na sigarilyo sa magkahiwalay na operasyon ng maritime patrol ng customs sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi mula Mayo at Nobyembre 2023

Layon ng BOC ang sundin ang tagubilin ni Commissioner Bien Rubio, hinggil sa kampanya laban sa ipinagbabawal na kalakalan ng tabako sa bansa, sa pakikipagtulongan sa mga ahensya kontra sa ismagling.
Ang mga sigarilyo ay binasa ng tubig ng mga tauhan ng mga taga Bureau of Fire and Protection, pagkatapos nito’y dinurog ng payloader at itinapon sa sanitary landfill sa Brgy. Salaan.
Sa mga tauhan ng Bureau of Customs, isang pagsaludo sa inyong paglaban sa isgmaling, lalo na sa sigarilyo. Ito’y patunay lamang na ginagampanan niyo ang inyong tungkuling. Congratulations and keep up the good work!
Spread the news