SA buong National Capital Region, personal po natin na binisita ang mga Barangay Hall, nariyan na mayrong iba’t ibang programa ang mga Barangay Captains sa bawat nasasakupan.
Saludo po tayong lahat, dahil ang bawat kapitan ay nagsikap, upang magpakitang gilas at ipakita ang kanilang natatanging pagganap, lalo na nang kasagsagan ng pandemic.
Ngunit bukod tangi ang Brgy. Don Bosco na pinamumunuan ni Kap. Chona Navarro, ang binigyang pagkilala ng matataas na opisyal, kabilang na riyan si Sen. Koko Pimentel.
Bakit po mga Igan? Malaking ipinagbago ng Brgy. Don Bosco, Brgy. Hall, kung saan ito ay itinuturing na pang WORLD CLASS,  sa ganda ng kanilang gusali, na kaiba sa lahat ng barangay hall at serbisyong hindi matawaran.
Dahil ito sa pagsisikap, pagpupunyagi, at magandang pamamalakad ng isang Kapitana Chona. “Sipag ay Pag unlad,” yan ang tema ng islogan ni Kap. Chona. Kaya naman dahil sa kanyang sipag, nakikita ang malaking pag unlad ng Brgy. Don Bosco. Ano pa ba ang babaguhin?
Kung sa disaster response, medical, peace and order at iba pa ang tatanungin, lahat ipinagkakaloob sa mamamayan ng Brgy. Don Bosco. Tama po ba ako Treas Mintch?
Well, kailangan pa bang e memorize yan. Ani nga ni Atty. Macalintal. Masuwerte ang Brgy. Don Bosco, dahil may isang Kapitana Chona, na isang tunay na INA na kumakalinga sa mamamayan. Mabuhay and keep up the good work Kapitana Chona Navarro!
***
PEACEFUL BARANGAY ANG DON BOSCO
NAALALA ko ang isa kong banyagang kaibigan na si Mr. William, mula sa bansang United Kingdom, na nanirahan dito sa Lancris Residences, Brgy. Don Bosco, palagi niyang sinasabi. “BRGY. DON BOSCO IS A LIVABLE PLACE”
Marami ang nagsabi rin sa akin, kabilang na rito ang mga konsehal ng Lungsod, sapagkat anila peaceful ito, at malayo sa krimen, kung kaya’t dinarayo ito ng mga banyaga at lokal na mamamayan.
Syempre, dahil na rin ito sa pamumuno ni Kap. Chona Navarro, sinamahan pa ng kanyang anak na Kagawad na si Mark Navarro na ubod rin ng sipag sa pagpapatupad ng peace and order.
Dahil nga peaceful ang Barangay Don Bosco, maraming mga negosyante, investor ang dumarayo, at establisyemento ang nagtatayuan dito. Patunay na progresibo ang barangay dahil payapa ito, at malayo sa krimen.
Ano pa ba ang hahanapin sa Brgy. Don Bosco? Pagbabago ba kamo? Malaking pagbabago ang nangyari sa Don Bosco, dahil sa tahimik at payapang lugar, kaya hindi takot ang mga mangangalakal na mamuhunan.
Salamat at meron tayong kapitana Chona Navarro na walang sawang nagseserbisyo sa mamamayan. 24 oras handa ang kanyang TEAM SIPAG upang tayo ay paglingkuran. Mabuhay and God bless us, always!
***
KAPITANA CHONA, PINURI NI ATTY. MACALINTAL
Nitong buwan ng Hulyo, tayo ay dumalo sa Flag Raising Ceremony sa Barangay Don Bosco, upang mapakinggan ang mga programa at proyekto na hatid ni Kapitana Chona Navarro.
Sa nasabing okasyon naging panauhing pandangal ni Kapitana Chona ang isang sikat na Election Lawyer sa bansa. Si Atty. Romulo Macalintal, na siyang  nagpatunay na ang pagpapaliban sa brgy election ay unconstitutional.
Naihayag ni Atty. Macalintal na ang barangay Don Bosco, ay pinamumunuan ng mabuting ina ng Barangay, sapagkat iginigiya ito ng maayos.
Dagdag pa ni Atty. Macalintal, na nasa mabuting kamay ang Brgy. Don Bosco, sapagkat nagagamit ng tama ang buwis ng barangay.
Ipinagmalaki rin ni Atty. Macalintal na mahusay o magaling sa paglilingkod si Kapitana Chona, dahil hindi lang ito ngawa kundi ipinakikita nito ang kanyang performance patunay ang mga proyektong tinatamasa ng barangay.
Nagkaroon ng sorpresang pahayag si Atty. Macalintal, at sinabi nitong tumatakbo pa lamang si Kapitana Chona ng pangalawang termino sa pagka kapitan ng Barangay. At hiniling  niya na magkaisa tayo para sa patuloy na pag unlad ng barangay.
Ano pa ang hinihintay niyo? Tara na at sumama tayo sa TEAM SIPAG. Mabuhay!
Spread the news