Ang Bureau of Customs, Port of Subic, under Coll. Meeks Martin, isa sa marubdob na lumalaban sa ismagling lalo na sa agrikultura, ito’y batay sa datos na inilabas ng puwerto.

Sa datos mga Igan, mula 2018, halos 2.1 bilyong halaga ng smuggled goods ang nakumpiska, at 50% nito or P1.024 bilyon ay assorted agricultural products, katulad na lamang ng sibuyas, carrots at iba pa.

Sa katunayan, ang taong 2022, ay kinunsiderang banner year ng Port of Subic, sa kanilang kampanya laban sa ismagling, kung saan halos 529 milyong smuggled goods ang kanilang nasakote, o may increase na 139 milyon, mula sa 391 milyon taong 2021.

Ito’y naging dahilan para bigyang pagkilala ang Port of Subic ng Japan Tobacco, thru local subsidiary, JT International Philippines, dahil sa masugid na paglaban ng ismagling sa tobacco products.

Naipakita rin ng Port of Subic na pangalawa sa pinakamalaking accomplishment ng anti ismagling campaign ang pagkakasakote ng tabacco sunod sa agricultural products na nakumpiska ng 925 milyon worth ng sigarilyo.

Mula nang maging District Collector ng Port of Subic si Coll. Martin, ang nasabing aduana ay sunod-sunod na nakaka surpassed ng annual assigned target, kung saan taong 2022, makikita na na surplus Sila ng 7.1 bilyon, mula sa target na 41.58 bilyon, dahil nakakuha sila ng 48.73 bilyon.

Ayon kay Coll. Martin, ang port consistent surpassing assigned target, ay magsasalita na ang aligasyon na talamak ang ismagling sa puwerto ay walang katotohanan,

Dagdag pa ni Coll. Martin, tingnan na lang ang performance ng aduana, patunay na ginagampanan nila ang tungkulin nila laban sa ismagling at pagtaas ng koleksyon ay patunay rin na hindi sila pabaya sa kanilang trabaho.

***

BOC IG, CIIS AT MICP DAPAT PAPURIHAN

Mga Igan, muling umiskor ang Bureau of Customs, sa pagkakakumpiska ng P153,615,000 milyon halaga ng mga smuggled na pula at puting sibuyas, sa isinagawang spot-check examination sa ilang containers sa Manila International Container Port (MICP). Ang shipment na pawang mula sa China ay orihinal na idineklara na naglalaman ng mga fishballs.

Matapos ang masusing eksaminasyon ng  sa pitong containers ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS)-MICP, natuklasang dalawa sa mga containers ang naglalaman ng undeclared fresh white onions habang lima ang naglalaman naman ng fresh red onions. Mabuhay po kayo mga Igan!

Kaagad namang inirekomenda ni CIIS-MICP chief Alvin Enciso ang paglalabas ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) sa mga shipment, habang ang consignee naman nito ay inaasahang mahaharap sa mga kasong kriminal.

Ayon kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, ang kanilang ongoing intensified operation laban sa agricultural smuggling ay bahagi ng pagsusumikap ng ahensiya na matugunan ang direktiba ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., gayundin ang pagtiyak sa publiko na ang BOC ay nananatiling ‘on top of the situation.’

“We are fully aware of the woes of our kababayans because of the prices of goods, particularly fresh onions. We are taking extra steps to make sure these perpetrators are brought to justice and free our markets from illegally sourced and imported products that could further impact the agricultural sector,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin naman ni Customs Deputy Commissioner Juvymax Uy ang kahalagahan sa administrasyong Marcos, sa ahensiya, at sa publiko, na mahuli ang mga naturang tiwaling grupo.

“We are not blind to what the people want. They want justice to be served, and that’s what we are doing here. We have a unique perspective of seeing what and how these groups operate, so we want to assure the public that we are investing in the right tools and with the right partners to bring that goal to fruition,” aniya pa.

Ibinahagi naman ni CIIS Director Jeoffrey Tacio na ang spot-examination ng mga containers ay naging posible matapos silang makatanggap ng impormasyon na ang mga ito ay naglalaman ng agricultural products at misdeclared at undeclared items.

“Again, it is only through the proper collaboration and coordination with different government agencies that our team was able to operate successfully. This is what partnership can do—catch multimillions worth of smuggled items these players are bringing into our markets,” aniya.

Ang lahat ng shipment ay dumating sa bansa noong Nobyembre 16, 2022 habang ang request para sa beripikasyon ng mga containers ay isinagawa noong Nobyembre 18, 2022.

Ang eksaminasyon ay sinaksihan ng mga kinatawan ng Department of Agriculture (DA), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Plant Industry (BPI), Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG), Enforcement Security Service (ESS), Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF), at Chamber of Customs Brokers, Inc. (CCBI).

Kaya Naman, nais nating bigyang pagpupugay ang BOC sa pamumuno ni Comm. Yogi, Dep. Comm. For IG Uy, CIIS Dir. Tacio at CIIS MICP Head Enciso, sa kanilang matagumpay na kampanya laban sa isgmaling. Mabuhay po kayo and may God bless you, always!

Spread the news