RAMDAM ang tension sa bakuran ng Bureau of Customs, sapagkat natuloy na ang pinakaka antay na balasahan sa mga District Collectors, ngunit ayon naman ito sa kanilang kakayahan, at kridibilidad.
Sang ayon din po tayo sa ginagawang pagpapalit ng puwesto sa bawat Aduana, upang maiwasan din ang bata-bata system o ang tinatawag nilang suki.
Merong masasaktan at natutuwa sa naturang RIGODON, dahil meron tila na demote, mayroon namang na promote at nabigyan ng break. Tama po ba ako mga Igan?
Gayunman, ang maipapayo ko lang sa ating mga kaibigan diyan sa Bureau of Customs na tanggapin, kung anumang naging desisyon ni Bureau of Customs Commissioner Bien Rubio, sapagkat Meron siyang magandang layunin.
Unang-una ang protektahan ang bawat hangganan ng puwerto, palakasin ang laban sa ismagling at pataasin ang revenue collection ng nasabing ahensya. Oh diba? Para sa kaban ng bayan!
Kaya naman, suportahan na lang natin ang pamamahala ni BOC Comm. Bien Rubio, natitiyak naman tayo na nasa tamang direksyon ang ahensya sa kanyang pamamahala. Tama po ba mga Igan? Wag nang kumontra. Baka magbakasyon ka sa CMU! Uy ambot!
***
WELCOME BACK BOC DC ROSALES
LUMABAS na ang pinakaka-abangan na reshuffle ng mga District Collectors sa Bureau of Customs, kung saan sa bisa ng Customs Personnel Order No. B-64-23, ay naipatupad na ito, nito lamang May 11, 2023 na may lagda ni Comm. Rubio at DOF Sec. Diokno.
Nais ko lamang batiin si Manila International Container Port District Collector Romeo Allan R. Rosales, mula sa Office of the Commissioner, sapagkat muli na namang susubukin ang kanyang kakayahan sa pagpapatupad ng 5 point agenda ni Comm. Rubio.
Hindi na bago kay DC Rosales ang MICP, dahil ito’y kanyang pinamunuan na sa panahon ni Comm. Jagger Guerrero. At naipakita niya naman ang kanyang natatanging pagganap kung saan reach niya ang revenue target.
Kaya Naman, muli po congratulations and welcome back sa challenging positions sa BOC. Alam niyo naman meron naka-atang sa inyong responsibilidad. At alam ko naman kayang-kaya yan ni Coll. RR. God bless you, always!
***
FINALLY, YOU’RE BACK COLL. FRANCIA
ISA po ako sa nagdalamhati nang ma floating ang aking kumpare na si dating MICP Coll. Jay Francia, sa kabila ng kanyang magandang performance sa Aduana.
Subalit may dahilan ang May Likha, sa bawat pangyayari sa buhay natin. Kaya tanggapin na lamang natin at suportahan ang mga nagiging Kumisyuner ng BOC.
Nung lumabas ang CPO nito lamang May 11, naging masaya po tayo, dahil masasabi nating makatarungan ang lumabas na Customs Personnel Order, kung saan ang ating kumpare mula sa Office of the Commissioner na assign ito sa Port of Davao, bilang District Collector.
Kaya naman, ipinapa-abot ko ang aking pagbati kay District Collector of Port of Davao, Coll. Jay Francia, sapagkat muli na naman siyang binigyan ng pagkakataon na ipakita ang kanyang angking galing. Pare Good luck and God bless you po, always!
Umasa ka na ang inyong Abang Lingkod ay patuloy na susuporta sa iyong magandang layunin sa Bureau of Customs. Trabaho lang, at hayaan mo na ang mga inggit. Parte ng buhay natin ito. Gawin na lamang natin silang inspirasyon. May ganun!
***
CONGRATULATIONS AND GOOD LUCK COLL. MARTIN, COLL. TALUSAN AND COLL. ATTY. MAPA
Sa lumabas na Customs Personnel Oder No. B-64-23 na lumabas nitong May 11, at may lagda nina Comm. Rubio at DOF Sec. Benjamin Diokno, ito’y balasahan ng mga District Collectors.
Katulad na lamang ng kaibigan natin na si Coll. Meeks Martin mula sa Port of Subic, narito na siya sa Port of Manila, na tiyak namang mapapamahalaan niya ng ma-ayos.
Gayundin si Coll. Mimel Talusan, mula sa Port of NAIA, siya naman ang mamumuno sa Port of Subic, na hindi naman bago sa kanya, sapagkat napakadalubhasa nito sa usaping collection at pamamahala sa isang Port.
Samantala, nais ko namang papurihan ang aking Kumare na si Atty. Yas Mapa, mula sa pagiging Director ng Legal Service, RCMG, at Chief of Staff ni Comm. Rubio, siya naman ngayon ang magpapatakbo sa Port of NAIA.
Hindi po natin masasabi na demosyon ang kanyang posisyon. Mataas ang kumpyansa natin sa kahusayan at ka-alaman ni Coll. Atty. Mapa, kaya binigyan ito ng matinding obligasyon.
Pabor na pabor Kay Coll. Talusan, Martin at Coll. Mapa ang kasalukuyang sensitibong posisyon. Bentahe ito sa BOC, sapagkat mga dalubhasa sila Coll. Talusan, Martin, at Mapa sa kanilang ginagalawan. Again, good luck mga Igan!