Malayo ang mararating ni Department of Public Works and Highways Unified Project Management Office-Flood Control Management Cluster Director Engr. Ramon A. Arriola III, dahil sa angking galing nito, at kapasidad.
Sinamahan pa ng hindi matawaran na integridad, kridibilidad, at dignidad, ayon kay Ms. Jane, kung kaya’t ganun na lamang ang tiwala ng mga high ranking officials ng DPWH kay Dir. Engr. Arriola III, lalo nang kalihim na si Sec. Manuel Bonoan.
Taong 2019, buwan ng Agusto at petsang 30, lumabas ang Special Order No. 103_2019, nang siya ay maitalaga sa UPMO-FCMC, bilang OFFICER-In-Charge, at lumalabas na limang taon na niyang pinamamahalaan ang naturang tanggapan.
Malinis, masinop, at walang bahid anomalya ang pamamahala ni Project Director Engr. Ariola, sa UPMO-FCMC, kung kaya’t hindi ito matinag sa kanyang posisyon, laking pasasalamat naman ng mga kawani ng nasabing departamento. Bakit mga Igan?
Kung “Darling of the Press,” si Dir. Arriola III, sa mga mamamahayag, sa mga kawani, isang  “ROLE MODEL,” ang nasabing director? Bakit? Dahil mabuting nilalang ito na may takot sa Dios, magandang haligi ng pamilya, at may puso sa mga simpleng empleyado. Hindi po ba Sir Sergio?
Batay sa ating nasaliksik na datos, si Dir. Arriola III, ay nagmula sa isang simpleng kawani, nakitaan ng husay, kung kaya’t nabigyan ng break, humawak ng mga masisilang posisyon, at kanya naman itong napag-punyagian.
Naging dalubhasa sa larangan ng imprastraktura, at teknikal, kung kaya’t sunod-sunod na promosyon sa buhay niya ang  kanyang nakamit. May God bless Dir. Arriola, and protect him from any harm!
Isang ginto na maituturing ng DPWH si Dir. Engr. Ramon A. Arriola III, kaya paka ingatan natin at alagaan. Kung maari, isama natin siya sa paglapit sa Dios na laging ligtas, sapagkat marami siyang natutulongan. Tama po ba ako Sir Ed? Mabuhay and God bless us, all!
***
KUDOS TO BOC DEP. COMM. FOR IAG ATTY. ERWIN MENDOZA
ISANG pagsaludo kay Bureau of Customs Deputy Commissioner for Internal Administration Group Atty. T. Mendoza, isang simpleng kawani ngunit ika nga nila small but smart.
Mula sa pagiging Deputy Collector from Port of Clark, Acting Director of the Legal Service,  kailan lang naitalaga ni PBBM bilang Deputy Commissioner, ito’y batay sa ating nakalap na kalatas mula sa Malakanyang taong kasalukuyan.
Sa ilang buwan pa lamang niyang pamamahala bilang Deputy Commissioner for Internal Administration Group, nakitaan na ito nang galing sa pamamahala sa kanyang hanay.
Naitatalaga nang maayos ang mga kawani sa naratapat nilang posisyon at nabibigyan ng promosyon ang mga dapat bigyan ng pagkilala sa kanilang natatanging pagganap bilang kawani.
Matalino, at may sariling desisyon, kaya naman masasabi nating masuwerte si BOC Commissioner Bien Rubio kay Dep. Comm. For IAG Atty. Erwin Mendoza, dahil alam nito ang kanyang mga ginagawa.
Magiliw na kausap, mararamdaman mo na sinsero sa kanyang mga sinasabi, at higit sa lahat mababanaag mo sa kanyang mga mata ang isang totoong tao, at may mabuting puso.
Mabuhay po kayo Dep. Comm. for IAG Atty. Erwin Mendoza, ipagpatuloy niyo lang po ang inyong magandang ginagawa at pagsuporta sa ating Kumisyuner.
Umasa po kayo na ang inyong Abang Lingkod, pahayagan, at radyo na aking katuwang sa pagbabalita ay sususportahan po kayo. More blessings po and ingat lagi!
Spread the news