NALALAPIT na naman ang halalan sa bansa, mula sa Nasyunal hanggang lokal na pagpipili ng mga leader, at ang ilan sa kanila ay todo na ang pangliligaw sa mamamayang Pilipino.
Nakaka-awa lang at ginigisa tayo sa sariling mantika, ang bawat sentimong buwis na ating ibinabayad sa gobyerno ang siyang kanilang ginagamit para utuin ang mga nasa laylayan.
Katulad na lamang dito sa Lungsod ng Paranaque sa District II, mukhang nagtatagisan ng salapi ang mga kandidato, hindi ng kanilang talino, at kakayahan bilang isang lider. Uy ambot!
Kung mag waldas ng pera, wagas! Bigayan ng 1k hanggang 10k, partida may bunos pang groceries at tig limang kilong bigas. Sino kaya ito? Wait ibunyag natin! may ganun!
Ang nakakatakot nito kapag makaupo na sila sa gobyerno, panigurado babawiin nila ang kanilang ipinamudmod sa mamamayan. Tama ba ako? Baka naman nabulag na kayo ng kinang ng salapi? Ambot sa kambing na may bangs!
Mabango na daw ang isang kongresista, parang galit sa pera. Tinalo pa si Bruce Lee sa pagiging karatista. Sabagay, mabuti na yun. Kaysa matamis ang dila at bolero. Sino siya? Uy ambot!
Sa mga kababayan natin lalo na sa mga taga Paranaque, imbes yung mga pulitiko ang hinahayaan natin na yumaman, dapat natin pagyamanin ang bansang Pilipinas.
Iboto natin ang mga pulitiko na tunay na maglilingkod sa atin at sa ating bayan. Huwag natin iboto ang mga taong namimigay ng libo-libong pera, bigas at ayuda.
Panigurado babawian tayo ng mga yan kapag nakaupo na. SIGURADONG BABAWIIN NILA ANG KANILANG GINASTOS. At siguradong MAGNANAKAW YAN SA KABAN NG BAYAN. Tama po ba ako Maam V? May susunod pa….
***
PAGLAYAS NI GUO, PAPANAGUTIN ANG NASA LIKOD
ISANG pagsaludo sa ating Pangulo ng bansa na si President Ferdinand Marcos Jr., dahil saad nitong may ulong gugulong sa mga tumulong sa paglayas ng pinatalsik na mayor ng Bambam, Tarlac Alice Guo.
Sa pagkakalusot nito, pahayag ni Pres. Bongbong, nagpapakita ito ng kurapsyon sa justice system natin, at nagpapahina ng tiwala ng ating publiko.
Giit pa ng pangulo na kanyang isasapubliko ang sinumang indibidwal na nasa likod ng pagpapalabas sa bansa kay Gou. Mabuhay po kayo Pres. Bongbong Marcos. Suportado ka ng mamayan sa iyong ginagawa.
Ito pa mga kabayan, mariin pang pahayag ni Pangulong Marcos na umuusad na ang imbestigasyon, ang sinumang napatunayan na nasa likod ng insidente ay kanyang papanagutin sa batas.
Walang puwang aniya sa gobyerno ang sinumang opisyal na inuuna ang personal na interes kaysa sa pagseserbisyo sa publiko.
Mga kabayan, ito po ang naging reaksyon ni Pangulong Marcos, sa napabalitang umalis na sa bansa si Guo kahit na may kinakaharap itong kaso na nauugnay sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operation.
Muli, isang pagsaludo sa magandang aksyon ni Pangulong Marcos, nawa’y sibakin din ang mga nasa gobyerno na sangkot sa anumang anomalya. Lalo na sa droga. May ganun!
Spread the news